^

Bansa

Kaso ni Atio, ‘wag ibaon sa limot - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangangamba ang isang kongresista na sa halip na mabigyan ng hustisya ay tuluyang mabaon sa limot ang kaso ng hazing victim na  si University of Sto. Tomas (UST) law student Horacio “Atio” Castillo dahil sa maraming maiinit na balita at isyu sa gobyerno.

Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera- Dy, Chairman ng House Committee on Public Information,  dapat pa ring gawing ‘top mind issue’ ng mga opisyal ng pamahalaan ang kaso ni Castillo.

“I am concerned that with the emergence of new hot news and issues, the hazing death of Horacio “Atio” Castillo, III will be forgotten or buried as a painful memory,” ani Herrera-Dy.

Sinabi ng lady solon na umaasa siyang ang pagkamatay ni Atio ang siyang kahuli-hulihan sa kaso ng hazing.

“No parent deserves the pain of losing a child through such torture. I hope not. Vigilance must be sustained,” giit ni Herrera Dy.

Ayon pa sa kongresista, dapat mapanagot sa batas ang tatlong miyembro  ng Aegis Juris fraternity na itinuro ng lumutang na testigong si alyas Tonio  na nagsabing nakita niya ang kaniyang mga kasamahan habang buhat-buhat ang hindi na gumagalaw na katawan ni Castillo.

Iginiit pa na maging ang United  States Department of Homeland Security ay nagpahayag ng suporta at koo­perasyon sa Pilipinas upang maaresto ang pangunahing suspect na si Ralph Trangia na nagtatago ngayon sa Estados Unidos kasama ang ina nito upang mapanagot ito sa krimen.  

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with