^

Punto Mo

Mainit na bakbakan, at mga kritikong maiingay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagkalat pa umano sa buong Marawi ang may 100 mga bangkay na nabubulok na sa ibat-ibang lugar kaugnay sa naganap na bakbakan doon sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng teroristang grupong Maute/ISIS.

Aminado ang militar na hirap sila sa retrieval operation dahil nagtatago pa rin sa matataas na gusali at sa ilang mga mosque o pook sambahan ng mga Muslim ang mga snipers ng kalaban.

Sa mga nagkalat na bangkay, ito ay mga miyembro ng teroristang grupo at mga naipit na sibilyan, gayunman sa ulat ng AFP mahigit na sa 1,000 mga sibilyang hinostage ng Maute ang kanila nang nasagip sa loob ng 24 araw na bakbakan.

Sa tala ng militar, higit sa 200 ang napapaslang na Maute/ISIS terrorists, 58 naman sa panig ng gobyerno at 26 ang sibilyan.

Hindi na nagbigay ng deadline ang AFP kung kailan ang Marawi liberation, basta ang pangako nila tatapusin nila ang misyon para mapanumbalik na sa normal ang lugar at maging payapa ang pamumuhay ng mga residente dito.

Sa kabila ng ganitong mga pangyayari, hindi talaga napaaawat ang ilang kritiko ng gobyerno at maiingay na pulitiko na sumasabay sa init ng bakbakan  sa Marawi.

Ang dami pa rin talaga ang hindi maawat na manahimik muna at tulungan ang gobyerno na matapos ang krisis sa lugar at sama-samang malabanan ang mga nagpasimula ng terorismo.

Araw-araw na lang talagang gagawa ng isyung pag-uusapan, sana kung pagtulong sa sitwasyon, hindi eh, panggulo sa pangyayari.

Ngayon ang nais tutukan at nais ipamukha sa mga mamamayan , eh ang ginagawang pagtulong ng Estados Unidos sa mga sundalo natin sa labanan. Kung anu-anong isyu ang inuungkat, kung ano ang mga pinapakalat.

Kung  hindi ba naman mga epal ang mga ito, mabuti nga tumutulong , eh sila kaya ano ang naitulong?

Maraming binibigay na kuwestyon, talaga lang namang naghahanap ng ibubutas o ikokontra sa sitwasyon.

Ang ganitong mga mukha ang dapat na tandaan ng mga mamamayan, ito ang mga laging sumasatsat,. wala namang binibigay na suhestyon na makakatulong. Puro sarili at intertes nila ang nais na mangyari.

Hindi lang nakita ng ilang araw si Pres. Digong,

namimis na agad, ang kalusugan naman nito ang napagdiskitahan. Aba’y kung maysakit ang Pangulo eh dapat na unawain . Dapat daw itong isapubliko ang kalagayan ng kalusugan nito at sa ganitong pagkakataon pa ang gusto.

Hindi na natutuwa ang mga kababayan natin sa mga epal na politiko o grupo na ito, kaya nga giit ng marami pwede raw bang manahimik muna ang mga ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with