^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ningas-kugon na anti-smoke belching campaign

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ningas-kugon na anti-smoke belching campaign

KAHAPON, nagsagawa ng smoke-belching campaign ang Department of Environment and Na­tural Resources (DENR) at Land Transportation Office (LTO) sa Commonwealth Avenue at maraming nahuling sasakyan na nagbubuga nang maitim na usok. Karamihan ay mga dyipni at trak ang nahuli. Ang tanong ay hanggang kailan ang kampanyang ito ng DENR at LTO? O ningas-kugon lang uli ito? Masigasig lang sila sa umpisa pero kapag nag­tagal na, wala na ang apoy ng sigla. Balik sa dati ang mga lumalason sa kapaligiran at inilalagay sa panganib ang buhay ng mamamayan. Ang paghuli sa smoke-belchers ay nakasaad sa Clean Air Act of 1999, pero hindi naipatutupad ang batas. Naging dekorasyon lang.

Malala na ang air pollution sa Metro Manila. Usok na may lason ang nalalanghap ng milyong residente sa Metro Manila at nagiging dahilan ng sakit sa res­piratory system. Kapag hindi nasolusyunan ang air pollution, magkakatotoo ang isang pag-aaral na sa darating na panahon, hindi na matitirahan ang Metro Manila dahil sa sobrang pagkalason ng hangin. Sa pag-aaral mismo ng DENR, ang mga sasakyan ang nagdudulot ng grabeng pollution sa Metro Manila. Umano’y 70-80 percent ng emissions ay galing sa mga tambutso ng sasakyan. Ang maruming usok na ito ang nalalanghap ng kawawang commuters araw-araw.

Ang DENR ang may responsibilidad sa paglilinis ng hangin at pangangalaga sa kapaligiran. Sila ang dapat na pumigil sa mga nagsusunog ng kagubatan, pagbabawal sa paggamit ng incinerators at pagya­yaot ng mga kakarag-karag na sasakyan. Ngayong ni-reject ng Commission on Appointment (CA) si DENR secretary Gina Lopez lalo nang lulubha ang problema sa air pollution.

Ang solusyon sa air pollution ay nakasalalay sa kapalit ni Lopez. Sana maging matapang din siya at may paninindigan laban sa mga lumalason at sumisira sa kapaligiran. Ang aming suhestiyon para maso­lus­yunan ang air pollution, lahat nang mga sasakyang 15 taon pataas ay dapat nang alisin sa kalsada.

Iligtas ang Metro Manila sa mapaminsalang air pollution. Maawa sa mga susunod pang heneras­yon. Palanghapin sila nang sariwa at malinis na hangin. Huwag ningas-kugon sa kampanya laban sa lumalason sa kapaligiran.

ANTI-SMOKE BELCHING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with