200 rescue personnel, inalerto ng MMDA
MANILA, Philippines - Nasa 200 rescue per-sonnel ang itinalaga ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) para rumisponde sa mga emergency cases kaugnay pananalasa ng bagyong Nina.
Kasabay naman nito, inatasan ng ahensiya ang mga advertisers na tupiin at ibaba muna ang kanilang mga billboards para na rin sa kaligtasan ng publiko.
Ayon sa MMDA, itinalaga muna nila sa rescue operation ang iba nilang traffic enforcers at ang mga ito ay nakaantabay lamang at handang rumisponde sa anumang mga emergency cases dulot ng bagyo..
Bukod sa pagtatalaga ng mga rescue personnel, naglagay din ang MMDA ng 5 military trucks, 8 ambulansiya, 12 rubber boats para sa mga lugar na flood-prone.
Binuksan din ng MMDA ang 6 floodgates sa Manggahan, para maging daluyan ng tubig at maiwasan ang pagtaas ng tubig baha.
Mariing inatasan din ng MMDA ang mga outdoor advertisers na tupiin at ibaba ang kanilang mga billboards upang hindi makapinsala sa publiko.
- Latest