Yasay: Pinas ‘di pa handa sa bilateral talks sa China
MANILA, Philippines — Hindi pa handa ang Pilipinas na magsagawa ng bilateral talks sa China kaugnay ng agawang ng teritoryo sa West Philippine Sea, ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr.
Sinabi ni Yasay sa isang security forum sa Washington na maaari lamang ituloy ang pag-uusap kapag nawala ang kondisyon ng China.
"To begin with, we cannot proceed on engaging China in bilateral talks where China says that we can only talk outside of the framework of the arbitral tribunal's decision," pahayag ni Yasay sa isang forum na inayos ng Center for Strategic and International Studies.
Mula nang inihain ang kaso at hanggang sa lumabas ang desisyon na pabor sa Pilipinas ay hindi kinikilala ito ng China.
Sa kabila nito ay nais ipagpatuloy ng Pilipinas ang ibang usapin sa China na hindi tungkol sa teritoryo katulad ng trade, investment at infrastructure development.
Naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kayang labanan ng Pilipinas ang China kaya mas nais niyang makipag-usap na lamang.
"Philippines to fight China? It will be slaughter. So we talk, we cannot match," wika ng Pangulo.
- Latest