^

PSN Opinyon

‘Called off’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PREEMPTIVE strike ang ginawa ni Pres. Rody Duterte bago siya lumipad sa ASEAN Summit.

Maaanghang ang mga binitiwan niyang salita. Patungkol ito kay US Pres. Barack Obama sakaling lektyuran daw siya nito sa isyu ng extrajudicial killings.

Bagama’t nauna nang sinabi ng kampo ng American president, hindi sila manghihimasok sa anumang human rights abuses sa Pilipinas.

Ang tanging gusto lang daw ng dayuhang presidente, sa tuwing makikipagpulong siya, gusto niya laging produktibo at mayroong kahihinatnan.

Siniguro lang ni Duterte na hindi siya tatanungin ni Obama tungkol sa kanyang kampanyang giyera kontra droga sa harap ng international press.

Kaysa nga naman mapahiya sa harap ng kapwa niya mga lider at sa buong mundo, inunahan niya na ito sa local media.

Isa ito sa mga sinasabing dahilan kung bakit kinansela ni Obama ang dapat sanang unang bilateral meeting nila noong Martes.

Hindi naman natin masisisi si Duterte sa kanyang pagi­ging unconventional at unorthodox.

Tulad ng lagi niyang sinasabi, kabisado niya ang lawak at laki ng problema sa droga sa bansa. Ito ang hindi nakikita ng mga taga labas.

Tuloy pa rin ang pagpupulong ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations sa Vietnam.

Nakaantabay ang buong mundo sa mga susunod pang kaganapan sa pagitan ng dalawang presidente.

Unsolicited advice lang po, Pres. Duterte. Wala pa po yata kayong protocol secretary. Panahon na po siguro para kumuha kayo diyan sa Malacañang.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with