^

PM Sports

CafeFrance, Phoenix-FEU nakauna

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naka-una ang CafeFrance Bakers at Phoenix-FEU Accelerators sa pagbubukas ng best-of-3 semifinals series ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa San Juan kahapon.

Naiuwi ng Bakers ang 65-58 na panalo sa Game 1 ng kanilang serye laban sa Rhum Masters para lumapit sa pangalawang sunod na finals appea-rance at ikalawang sunod na kampeonato.

Nagtala ng 14 points si Bakers big man Rodrigue Ebondo sa 4th quarter, habang nag-ambag naman ng 11 points si Joseph Manlangit upang pangunahan ang defending champions na ma-kabawi sa pagkatalo sa Rhum Masters noong eliminations.

“Nakabawi kami,” pahayag ni Bakers coach Egay Macaraya. “Good motivation for the team. The boys played hard. I guess they played good defense and I hope they’ll do it again,” dagdag pa nito.

Gumawa naman ng tig-13 puntos sina Pari Llagas at Von Pessumal para sa Rhum Masters habang ang bayani ng quarterfinals para sa Tanduay na si Val Acuña ay hindi nakapag-buslo ng basket at naglaro lamang ng 5 minuto.

Tinalo naman ng Phoenix-FEU Accelerators ang Caida Tile Masters sa iskor na 90-83 sa ikalawang laro.

Umiskor ng 32 points si Ed Daquioag para sa Accelerators, 16 nito ay kanyang itinala sa first half.

“Kinausap ko si Ed, sabi ko take charge. Ikaw ang factor dito,” pahayag ni Accelerators coach Eric Gonzales. “Kahit mag-error siya, maglaro lang siya. Nag-take charge talaga siya, parang sa UST lang.”

Nasayang naman ang magandang laro nina Jo-nathan Grey na tumapos ng may 14 points at Jason Perkins na nagtala naman ng 12 points para sa Tile Masters.

Gaganapin ang Game 2 ng parehong serye sa Marso 29, Martes, sa parehong oras at lugar. (FML)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with