^

Metro

Zamora sa San Juan, Calixto sa Pasay

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluy na tuloy na ang pagtakbo sa pagka-alkalde ng San Juan ni Vice Mayor Francis Zamora.

Kahapon ay naghain na si Zamora ng kanyang kandi­datura sa lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang lungsod para harapin sa halalan si incumbent Mayor Guia Gomez, na inaasahang tatakbo naman ng reelection.

Kasabay ni Zamora sa paghahain ng COC ang kanyang running mate na si Totoy Bernardo at kanyang 12 konsehal.

Si Zamora ay tatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party (NP). Matatandaang una nang idineklara noong nakaraang linggo ni Zamora ang pagtakbo sa pagka-alkalde upang matuldukan na ang 46-taong paghawak ng mga Estrada sa lungsod ng San Juan.

Sa Pasay City, pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang Liberal Party (LP) na pinangungunahan ng kasalukuyang alkalde na si  Antonino “Tony” Calixto, kasama ang kanyang mga konsehal sa District I at II kahapon.

Alas-11:00 ng umaga, mula sa Pasay City Hall, magkakasabay na nagtungo sa tanggapan ni Atty. Frances Arabe, COMELEC officer ng Pasay City ang grupo ni Mayor Calixto upang maghain ng COC para sa darating na 2016 Election.

ANG

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DISTRICT I

FRANCES ARABE

LIBERAL PARTY

MAYOR CALIXTO

MAYOR GUIA GOMEZ

NACIONALISTA PARTY

PASAY CITY

SAN JUAN

ZAMORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with