^

PSN Opinyon

EDITORYAL – May pinabulagta na namang mamamahayag

Pilipino Star Ngayon

UMABOT na sa 172 ang mga mamamahayag na pinatay mula 1986 (panahon ng diktaduryang Marcos) at 31 naman sa ilalim ni President Noynoy Aquino, ayon sa National Union of Journalist of the Philippines (NUJP). Nakaaalarma na ang sunud-sunod na pagpaslang sa mga miyembro ng media. Kailan ito titigil?

Noong Huwebes ng umaga,  isa na namang mamamahayag ang pinatay ng riding-in-tandem sa Balanga City, Bataan. Walang awang pinagbabaril ang Abante correspondent na si Nerlita Ledesma, 47, habang naghihintay ng masasakyan sa Barangay Tuyo. Ayon sa mga nakasaksi, dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang tumigil sa di-kalayuan kay Ledesma. Bumaba ang isa sa mga lalaki at nilapitan ang mamamahayag at binaril ng apat na beses sa dibdib gamit ang kalibre 45. Bumulagta ang biktima at namatay noon din. Mabilis na tumakas ang mga killer. Ayon sa report, dati nang pinagtangkaan ang buhay ni Ledesma nang pagbabarilin ang bahay nito dalawang taon na ang nakararaan.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang nagagawa ang pulisya ng Bataan sa bagong pagpatay sa mamamahayag. Wala pang maibigay na impormasyon ang pulisya sa pagpatay at marami ang nangangamba na matulad din ang kasong ito sa iba pang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

Agad kinondena ng Malacañang ang pagpatay kay Ledesma.

Kapag may napapatay na mamamahayag, agad na nagpapahatid ng pakikiramay ang Malacañang. Maganda naman ang kanilang inaakto. Pero mas maganda kung sana ay agad ipag-uutos sa pulisya ang agarang pagtugis sa mga salarin. Mas ikaka­gaan ng dibdib ng mga naulila ng mamamahayag kung agad mahuhuli ang killers at maging ang “utak” sa pagpatay.

Nararapat ipakita ng kasalukuyang administrasyon na pinuprotektahan ang mamamahayag. Tuparin ang pangako na wawakasan na ang mga karumal-dumal na pagpatay sa mga kasapi ng media.

AYON

BALANGA CITY

BARANGAY TUYO

LEDESMA

MALACA

MAMAMAHAYAG

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHILIPPINES

NERLITA LEDESMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with