^

PM Sports

May bakas pa si Cone sa Aces

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t matagal nang nasa Purefoods si coach Tim Cone, inamin ni Alaska point guard JVee Casio na gumagamit pa rin ang kanilang Ame-rican mentor na si Alex Compton ng konting ‘triangle offense’ sa kanilang mga laro.

“We still have a little bit of the old one, pero may mga inputs lang. We’re trying to be disciplined on that,” sabi ni Casio.

Si Cone ang naging coach ng Alaska mula 1989 hanggang 2011 at naihatid niya ang koponan sa 13 championships gamit ang ‘triangle offense’ bago ito lumipat sa Purefoods.

Gamit ang triangle offense, hangad ng Alaska ang kanilang pang-limang sunod na panalo para patuloy na solohin ang liderato, habang puntirya ng Talk ‘N Text ang kanilang ikatlong dikit na arangkada.

Sasagupain ng Aces ang bagitong Kia Sorento ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng sister teams na Tropang Texters at Meralco Bolts sa alas-7 ng gabi  sa 2014-2015 PBA Philippine Cup na magpapatuloy sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nanggaling ang Aces sa 66-63 pagtakas sa San Miguel Beermen para sa kanilang ikaapat na sunod na pamamayagpag noong Nobyembre 5 na nagkaloob sa kanila ng liderato kasunod ang sister teams na Ginebra at San Miguel na tabla sa 4-1 record.

Matapos namang manalo sa kanilang debut game noong Oktubre 19 ay di na nakatikim ng panalo ang Sorento sa apat na laro matapos iwan ni playing coach Manny Pacquiao para ipagpatuloy ang pagsasanay sa Ge-neral Santos City para sa kanyang laban kay Chris Algieri sa Nobyembre 23 sa Macau, China.

Nakalasap ang Kia na muling hahawakan ni assistant coach Glenn Capacio, ng 62-85 kabiguan sa Talk ‘N Text noong Nov. 7.

Sa ikalawang laro, target ng Talk ‘N Text ang kanilang pangatlong dikit na arangkada  upang makakalas sa pakikisos-yo sa ikalima hanggang ikapitong puwesto sa mga walang larong Rain or Shine at Globalport.

Kinuha ng Tropang Texters ang 85-62 panalo kontra sa Sorento para sa kanilang ikatlong sunod na pananalasa noong Nobyembre 7, habang nagmula ang Bolts sa 90-75 pananaig sa NLEX Road Warriors noong Nobyembre 5.

Samantala, napiling Player of the Week ng PBA Press Corps si Ronjay Buenafe ng Globalport.

Sa pagkawala nina guard Terrence Romeo at veteran playmaker Alex Cabagnot, si Buenafe ang pumuno ng butas na iniwan ng dalawa nang magbida ito sa panalo ng Batang Pier laban sa Kia Sorento at Blackwater noong nakaraang linggo.

ALEX CABAGNOT

ALEX COMPTON

BATANG PIER

CASIO

KANILANG

KIA SORENTO

N TEXT

NOBYEMBRE

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with