Clippers nakawala sa Warriors sa OT

SAN FRANCISCO — Kumonekta si James Harden ng magkasunod na three-pointers sa overtime at tumapos na may 39 points at 10 assists sa 124-119 pagtakas ng Los Angeles Clippers sa Golden State Warriors sa regular-season finale.
Umiskor si Kawhi Leonard ng 33 points at tumipa si Ivica Zubac ng 22 points at 17 rebounds sa pagkopo ng Clippers (50-32) sa No. 5 spot sa Western Conference playoffs kung saan nila makakaharap ang No. 4 Denver Nuggets sa first round series.
Kumamada si Stephen Curry ng 36 points at may 30 markers si Jimmy Butler sa panig ng No. 7 seed Warriors (48-34) na sasagupain ang Memphis Grizzlies sa isang play-in game.
Sa Houston, naglista si Michael Porter Jr. ng 19 points at may tig-18 markers sina Aaron Gordon at Nikola Jokic sa 126-111 paggupo ng Nuggets (50-32) sa Houston Rockets (52-30).
Sa Boston, bumira si Payton Pritchard ng 34 points sa 93-86 pagpapatumba ng nagdedepensang Celtics (61-21) sa Charlotte Hornets (19-63).
Sa Cleveland, kumana si Quenton Jackson ng 21 points sa 126-118 double overtime win ng Indiana Pacers (50-32) sa Cavaliers (64-18).
Sa Minneapolis, nagbagsak si Anthony Edwards ng 43 points sa 116-105 demolisyon ng Minnesota Timberwolves (49-33) sa Utah Jazz (17-65).
- Latest