Grand Game nagpasikat
MANILA, Philippines – Nagpasikat ang kaba-yong Grand Game nang lumabas na dehadong kabayo na nanalo noong Linggo sa bakuran ng Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Si Jericho Serrano ang sumakay sa kabayong lu-maban sa handicap race 3 sa 1,400-metro distansya at maganda ang ipinakita ng tambalan nang naisantabi ang hamong hatid ng Stay At Home Mom sa pagdiskarte ni Kevin Abobo.
Nagpasok ang win ng Grand Game ng P112.00 dibidendo na pinakama-laki sa ibinigay sa win sa gabing ito habang nagdiwang din ang mga karerista na nakuha ang datingan sa forecast na 1-9 dahil umabot ito sa P1,384.00.
Natunghayan din sa araw na ito ang dead heat sa una at ikatlong puwesto na nangyari sa race 6 habang si Pat Dilema ang lumabas bilang pinakamahusay na hinete sa pagtatapos ng pista sa ikatlong racing club ng bansa.
Matapos ang review sa nasabing karera ay idineklara na sabay na tumawid ng finish line ang Ecstatic Pebbles at Conquista Boy para sa unang puwesto habang ang Mariz Manpower at Hetty ay hindi rin nagkahiwalay sa pagtawid sa meta para sa ikatlong puwesto.
Ang dalawang kabayo na unang tumawid ay magkadikit sa bentahan pero bahagyang angat ang Ecstatic Pebbles sa pagdiskarte ni Val Dilema para magkaroon ng balik-taya sa win (P5.00).Ang Conquista Boy na diniskartehan ni JL Paano ay mayroong P7.50 dibidendo.
Isa pang dead heat para sa ikatlong puwesto ang nangyari sa race seven na pinagharian ng Kasilawan. Ang Aranque at Little By Little ang sabay na duma-ting para magkaroon ng hiwalay na dibidendo sa trifecta at quartet.
Si Dilema naman ang lumabas bilang pinakamahusay na hinete nang nakapaghatid ng tatlong panalo.
Ang Maker’s Mark at Hold The Bubbly ay naihatid din sa tagumpay ng class A jockey sa races two at three habang ang isa pang kabayo na kuminang sa kanyang pagdadala ay ang Persian Empire sa race five.
Hiniya ng Maker’s Mark ang Alpha Alleanza sa class division two race sa 1,000-metro distansya habang ang Hold The Bubbly ay kuminang sa hamon ng dehadong Unthinkable ni EP Nahilat.
Talunan ng Persian Empire ang Bull Session sa 1,400-metro karera sa class division 1. (AT)
- Latest