^

Para Malibang

Nakakatulong at nakakasamang pagkain sa sex (2)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Narito ang iba pang mga pagkain  na may epekto sa ating sexual health.

Kamote - Narinig n’yo na ba ang ‘eat Kamote, the musical fruit.’ May mga taong hindi  masyadong kumakain ng kamote dahil nga sa sinasabing nakakapag-pautot ang kamote. Mayroon na kayo ngayong dahilan para kumain lagi ng kamote.

Ang kamote ay mayaman sa potassium na nakakatulong sa paglaban sa high blood pressure na iniuugnay sa erectile dysfunction. Mayaman din ang kamote sa beta-carotene na nagbibigay sa katawan ng vitamin A na sinususpetsang (hindi pa napapatunayan) nakakatulong sa infertility.

Linga - Ang sesame seed o linga at ang maliliit na buto na nasa ibabaw ng tinapay ng burger. Inihahalo rin ito sa ibang lutuin at pagkain.

Alam n’yo bang ang linga ay  isang source ng zinc at ito ay mabuti para sa sexual health. Sinasabing nakakatulong ang zinc sa testosterone at sperm production sa mga lalaki.

Ang numero unong source ng zinc ay talaba pero hindi naman tayo madalas kumain ng talaba.

Kaya puwedeng gumamit ng sesame seeds na puwedeng ihalo sa inyong mga ginisang pagkain, kanin, breakfast cerials, oatmeal. May mga pagkain ding may linga tulad ng wheatflakes.

Pakwan - Tuwing summer ang panahon ng pakwan. Mababa ang calories ng pakwan ngunit sinasabing mayaman ito sa libido-boosting phytonutrients.

Noong  2008, sinabi ng Texas A&M research na ang lycopene, citrulline at beta-carotene na nakukuha sa pakwan ay nakaka-relax  ng blood vessels at isa itong  natural enhancement ng sex drive.

Kaya ano pa ang inyong hinihintay? Kain na!!!

vuukle comment

ALAM

INIHAHALO

KAMOTE

KAYA

MABABA

MAYAMAN

MAYROON

NARINIG

NARITO

TEXAS A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with