^

Punto Mo

Tiwala ni P-Noy o ng taumbayan?

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MADALAS marinig sa opisyal ng gobyerno na nahaharap sa eskandalo na siya ay mananatili sa puwesto habang may tiwala ang Presidente na nagtalaga sa kanya.

Ngayon ay muling nari­rinig ang mga katagang ito sa kaso ni Budget secretary Butch Abad. Nananatili pa rin daw ang tiwala ni President Aquino kay Abad at wala itong planong sibakin.

Lumalawak na ang batikos kay Abad na inaakusahang arkitekto ng Disbursement Acceleratio­n Program (DAP) na idineklarang unconstitutional. Maraming nagtatanong kung kaninong tiwala ang dapat manaig --- kay P-Noy o sa taumbayan?

Kung may delikadesa si Abad kahit pa sabihin ni P-Noy na may tiwala pa siya rito ay kusa na siyang magbibitiw. Ito pinakamainam na gawin ni Abad para huwag ng madamay ang Presidente at buong administrasyon.

Hindi naman siguro dapat pagtalunan ang usapin na nagastos sa mabuting paraan ang pondo ng DAP at hindi alam na ma­idedeklarang labag sa Konstitusyon. Isantabi na rin ang isyu ng impeachment laban kay P-Noy dahil mayorya sa Kongreso ay kaalyado ng Presidente.

Dapat magsagawa nang pag-audit sa lahat ng mambabatas at ahensiyang nakatanggap ng pondo mula sa DAP para malaman kung napunta ito sa tama. Importanteng malaman ng publiko kung saan napunta ang ibinayad nilang tax. Kung naging maayos naman ang paggasta ay walang problema.

Abangan natin kung magiging makatotohanan ang pag-audit sa pondo na nagmula sa DAP.

 

ABAD

ABANGAN

BUTCH ABAD

DAPAT

DISBURSEMENT ACCELERATIO

IMPORTANTENG

ISANTABI

P-NOY

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with