^

PSN Opinyon

Magkatotoo kaya ang anti - political dynasty bill

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SUPORTAHAN kaya ng ibang mambabatas ang anti - political dynasty bill dahil may mga kongresista na tumutulak dito para maging batas at hindi maging isang ‘pangarap’ lamang .

The other day, inumpisahan ang deliberasyon ng anti - political dynasty bill sa plenary hall ng Kongreso.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa si Capiz Rep. Fredenil Castro, chairman ng House committee on suffrage and electoral reforms, ang nag-sponsor ng Committee Report 19 o ang ulat kaugnay ng pag-apruba ng komite sa Anti-Political Dynasty Act of 2013.

‎Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, layunin ng panukala na maipasa ang batas na siyang kakatawan sa nakatala sa Philippines my Philippines Constitution.

Ika nga, “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Naku may ganito palang drama este mali nakasaad sa konstitusiyon !

Birada ni Castro, ‘Congress is now called upon to comply with Constitutional mandate, to pass implemen­ting law…to abate or regulate impact of political dynasties in the country.”

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binusisi mabuti ang panukalang nabanggit at pinagsama-sama ang bersyon nina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Neri Colmenares, Gabriela Rep. Luz Ilagan, 1-SAGIP Erlinda Santiago at siempre si Pampanga Rep.Oscar Rodriguez.

Sabi nga, “A political dynasty exists when two or more individuals who are related within the second degree of consanguinity or affinity hold or run for national or local office in successive, simultaneous or overlapping terms,” nakatala sa panukala.

‘Paano ngayon ang mga mag-aama, mag-iina, mga magpi-pinsan na kumokontrol ngayon ng kanilang mga lugar ?’ tanong ng kuwagong nililinlang.

‘Tapos na ang kanilang kaligayahan kapag final na ang Anti- Political Dynasty Bill.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Sa palagay mo ba magiging batas ito o susuportahan kaya ito sa lower at upper house ?’

‘Iyan ang problema.’

Bakit ?

‘Baka hindi pumasa ito !’ Hehehe.

Abangan.

****************

 

SILG Roxas at NCRPO

 

TAHIMIK si SILG Mar Roxas ngayon para siyang nagmumuni-muni at kung ano man ang gustong niyang gawin iyan ang hindi natin alam.

Habang nagsasawalang-kibo si Mar grabe ang nangyayari sa Bicutan sa ngayon dahil naglutangan ang mga kolektor ng illegal vices sa apat na sulok ng Metro - Manila.

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kolektor diumano sa NPD ay isang alyas Jojo Cruz, sa MPD isang alyas Noel de Castro, sa QCPD isang alyas Falwart at alyas Ed Matti sa EPD at Miguel Irinco sa SPD.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang salaping nakakalap ng mga nabanggit na pangalan sa itaas ay ibinibigay diumano kina Supt. Macaraeg, hepe ng R6 at General Bantolo, CDS NCRPO ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaalingawngaw sa Metro-Manila ang mga sinasabing mga pangalan sa itaas pagdating sa usapin ng illegal vices.

‘Siguro dapat munang ipaalam nina Bantolo at Macaraeg kung sinu-sino ang mga ikinukuento ng mga pangalan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, at dapat nila itong aksyunan agad dahil nakakaladkad ang kanilang integridad dito pero kung kasama sila siguro hindi na dapat pa nilang pag-aksayahan ng panahon?’ Hehehe !

Nakakasira ito kung totoo sa Philippine National Police bagsak na nga ang imahe lalo pang ibinabagsak ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Jun Bernardino ang kolektor naman para sa Crame ?

Abangan.

 

ABANGAN

ANTI-POLITICAL DYNASTY ACT

ASSET

KUWAGO

MISMO

NAKU

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with