^

PSN Opinyon

Mag-inspeksyon na!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPADAAN ako sa Timog Avenue noong isang araw at napatanaw ako sa lugar ng dating Ozone Disco. Nasunog ang Ozone noong hatinggabi ng Marso 19, 1996. Ang akala ng mga tao sa loob, bahagi ng palabas ang usok na lumalabas na sa entablado. Pero nang maging maliwanag na sunog, nagtakbuhan ang mga tao palabas. Pero makipot ang pasilyo palabas, at ang pinto ay nabubuksan lamang paloob, hindi palabas. Dahil sa dami ng tao sa pasilyo, hindi na mabuksan ang pinto. Nag-panic ang mga tao, kaya nagpatong-patong sila. Natagpuan ang 162 bangkay nang maapula ang apoy. Nasa 100 ang nasugatan. Ang Ozone Disco fire ang pinakamalagim na sunog sa kasaysayan ng Pilipinas.

Dahil sa trahedya, naging mahigpit ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa mga fire exit, fire extinguisher, water sprinkler at pinto na puwedeng mabuksan ng paloob at palabas. Lahat ito ay wala ang Ozone nang maganap ang sunog. Mga may-ari at ilang opisyal ang kinasuhan hinggil sa sunog. Nalaman na kulang-kulang ang mga dokumento ng mga may-ari, at naging pabaya ang ilang opisyal ng munisipyo sa kanilang pag-inspeksyon at pagbigay ng mga permit. Ganoon pa man, may mga napawalang-sala.

Hanggang ngayon, walang nakatayong negosyo sa puwesto ng Ozone Disco. Siguro masyadong malas sa tingin ng tao. May mga kuwento na minumulto ang lugar ng mga namatay. Hindi ako magtataka kung meron nga. Marso na muli, at Fire Prevention Month na naman. Ang gusto kong malaman ay kung ganun pa rin kahigpit ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa mga nabanggit kong pangangailangan tulad ng fire exit, water sprinkler. Bukod sa mga establisimento, kailangan ding inspeksyunin ang mga dormitoryo. Kadalasan ay tipid na tipid ang mga may-ari ng mga ito. Walang fire exit kaya hindi makalabas ang mga mag-aaral.

May mga bagong fire truck ang DILG na ipinamahagi sa ilang siyudad. Pero tulad nga ng sinabi ko, mas mabuti ang mag-ingat, kaysa magsisi. Ito ang magandang pagkakataon na mag-inspeksyon ang lokal na pamahalaan sa mga potensyal na “fire trap” sa kani-kanilang mga siyudad. Kapag may nakitang paglabag, ipasara na agad.

ANG OZONE DISCO

BUKOD

DAHIL

FIRE

FIRE PREVENTION MONTH

MARSO

OZONE DISCO

PERO

TIMOG AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with