ACCEL-PBA Press Corps Player of the Week: Beau Belga - Rain or Shine
MANILA, Philippines - Kumbinsido si Rain or Shine head coach Yeng Guiao na ang pagganda ng laro at court leadership ni 6-foot-6 slotman Beau Belga ang isa sa mga dahilan ng pagbabalik ng Elasto Painters sa Finals ng PLDT myDSL-PBA Philippine Cup sa ikalawang sunod na season.
Sinabi ni Guiao na yumabong ang pagiging lider ni Belga sa koponan sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng solidong depensa, rebounding at perimeter game.
Patunay rito ang pagbibida ni Belga sa panalo ng Elasto Painters sa Petron Blaze Boosters sa Game Four ng kanilang semifinals series.
Isinalpak ng dating sentro ng Philippine Christian University ang isang three-point shot para selyuhan ang 88-83 panalo ng Rain or Shine at kunin ang ma-laking 3-1 bentahe laban sa Petron.
Humakot naman si Belga ng 18 points at 9 rebounds sa kanilang 97-88 panalo sa Game Five kung saan nanood lamang si Guiao sa kanyang bahay dahil sa ipinataw na one-game suspension at multang P100,000.
“Beau is learning to impose his presence not just on court but also off the court,†wika ni Guiao, sa naibibigay ng 27-anyos na si Belga sa kanilang koponan ngayong season.
Ang pamamayani ni Belga sa dalawang sunod na panalo ng Elasto Painters sa Boosters sa kanilang semis showdown ng Boosters ang nagbigay sa kanya ng Accel-PBA Player of the Week award para sa linggo ng Pebrero 3-8.
Ito ang ikalawang citation na natanggap ni Belga ngayong komperensya.
Tinalo niya si San Mig Super playmaker Mark Barroca, tatlong beses na hinirang na Accel-PBA Press Corp. Player of the Week sa nakaraang tatlong linggo.
- Latest