^

Probinsiya

2 lider ng NPA, 3 pa tiklo

Joy Cantos at Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang 5-rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang dalawa nitong matataas na opisyal sa magkakahiwalay na operasyon sa Bicol Region, Quezon at sa Palawan, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa ulat  ni AFP-Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo, nasakote si George “Ka Mario” Geluz sa checkpoint sa bayan ng Gumaca, Quezon  kamakalawa ng gabi

Si Geluz ay sinasabing secretary ng Bicol regional party committee at nasakote sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery-in-band with arson, double frustrated murder na inisyu ng korte sa Camarines Norte.

Samantala, si Sylvestre Layones, pinuno ng regional urban committee at executive committee member ng BRPC ay nasakote naman kahapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu naman sa Legazpi City, Albay.

Sa operasyon naman sa bayan ng Bataraza, Palawan kamakalawa ay nasakote naman ang mag-asawang NPA rebs na sina Gilbert “Ka Glenn” Silagan at Alma “Carol” Moreno matapos na makorner ng pulisya.

Ang mga suspek ay may patong sa ulo na P 2.95 mil­yon at P1.3 milyon, ayon sa pagkakasunod.

Kasunod nito, nasakote naman si Jebe Alarcon ng Brgy. Pinamihagan sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur matapos na masabat ng tropa ng 42nd Infantry Battalion ng Philippine Army kamakalawa.

Nasamsam sa pag-iingat ang 2, 200 piraso ng bala ng cal 5.56mm, 13 piraso ng bala ng cal 7.62mm, magazine assembly ng 20 round ng M14 rifle, M 14 rifle at iba pa.

 

BICOL REGION

CAESAR RONNIE ORDOYO

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

INFANTRY BATTALION

JEBE ALARCON

KA GLENN

KA MARIO

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with