^

PM Sports

San Beda inangkin ang No. 1 seat sa Final Four

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi binigyan ng anu­mang pagkakataon ng San Beda ang Arellano na makaporma nang kunin ang 78-62 panalo sa pag­ta­tapos ng 89th NCAA men’s basketball elimination round sa The Arena sa San Juan City.

Isang 11-0 panimula na kinalaunan ay naging 40-21 halftime lead ang ginawa ng Red Lions para tapusin ang double round robin bitbit ang 15-3 ba­raha.

Dahil dito, ang San Be­da ang siyang lalabas bi­lang No. 1 papasok sa Fi­nal Four, habang ang Let­ran ang No. 2 sa 14-4 kar­ta.

May bitbit naman ang dalawang koponan ng ‘twice-to-beat advantage’ sa Final Four.

Naunang binigyan ng kasiyahan ng juniors team na Red Cubs ang kanilang panatiko nang  durugin ang Braves, 96-56, para ma­kumpleto ang 18-0 sweep.

Pasok na sa Finals ang Red Cubs at hihinta­yin ang makakalaban na manggagaling sa step-lad­der semis.

Nakuha ng Mapua Red Robins ang ikaapat na puwesto sa Final Four sa pamamagitan ng 90-67 tagumpay sa Emilio Aguinaldo College Brigadiers at siyang unang lalaban kontra sa CSB-LGHS.

Ang mananalo rito ang makakaharap ng pu­mapangalawang San Se­bas­tian Staglets na may ‘twice-to-beat’ advantage.

Binawian naman ng Ge­nerals ang Cardinals sa 82-76 panalo.

Ito ang ika-10 tagum­pay matapos ang 18 laro pa­ra sa tropa ni coach Ger­ry Esplana upang itala ang best record sapul nang sumali sa liga.

Ang  bagay na ito ay nai­­santabi sa kinapos na kam­panya sa Final Four.

EAC 82 -- Morada 23, Happi 17, Jamon 13, Ar­quero 11, King 5, Munsayac 5, Tayongtong 4, Paguia 2, Hiole Manga 2, Castro 0, Me­jos 0, Onwubere 0.

MIT 76 -- Cantos 24, Bra­na 13, Magsigay 15, Ig­halo 11, Isit 9, Gonzalez 2, Estrella 2, Gabo 0, Guzman 0, Magtoto 0.

Quarterscores: 16-19; 28-39; 55-61; 82-76.

SBC 78 -- Amer 11, Ade­ogun 11, Dela Rosa 10, Pascual 10, Sara 10, Dela Cruz 9, Semerad A. 8, Abarcar 5, Ludovice 2, Semerad D. 2, Bonsubre 0, Mendoza 0, Abatayo 0, Villaruz 0.

Arellano 62 -- Caperal 23, Serjue 17, Jalalon 7, Pin­to 6, Forrester 4, Hernandez 3, Bangga 2, Gumaru 0, Nicholls 0, Agovida 0.

Quarterscores: 20-7; 40-21; 61-35; 78-62.

 

ARELLANO

DELA CRUZ

DELA ROSA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE BRIGADIERS

FINAL FOUR

HIOLE MANGA

MAPUA RED ROBINS

RED CUBS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with