Babaeng STL collector ginahasa, pinatay!

Bangkay itinapon sa kakahuyan
MANILA, Philippines — Isang babaeng kolektor ng Small Town Lottery (STL) na walang saplot pang-ibaba na hinihinalang ginahasa ang natagpuang patay sa isang kakahuyan sa Brgy. Ibabang Bulo, Unisan, Quezon nitong Linggo ng gabi.
Sa report ng Quezon Police, ang nasabing biktima na itinago sa pangalang Grace ay inutusan ng kaniyang ina na-iremit ang koleksyon sa STL sa Brgy. Ibabang Panaon sa kabilang barangay ng nasabing bayan.
Gayunman, nagtataka ang ina ng biktima kung bakit gabi na ay hindi pa umuuwi ang kaniyang anak.
Dahil dito, nagpatulong ang ginang sa kanilang mga kapitbahay kasama ang mga barangay tanod na hanapin ang anak at dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kagubatan ng Brgy. Ibabang Bulo.
Hinihinala ng mga awtoridad na pinagsamantalahan ang biktima makaraang walang saplot pang-ibaba nang madiskubre ang katawan nito.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kasong ito upang matukoy ang salarin.
- Latest