^

Metro

LTFRB magbubukas ng special permit application para sa Undas 2026

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula sa Setyembre 21, tatanggap na ng aplikasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa special permit ng mga pampublikong utility vehicle (PUV) na bibiyahe sa labas ng kanilang regular na ruta ngayong Undas.

Ayon sa LTFRB, hanggang sa Oktubre 2 ang patanggap ng application upang mabigyang panahon ang pagsusuri sa mga dokumento at roadworthiness ng mga pampasaherong sasak­yan bago ang All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre.

Sinabi ni Acting LTFRB Chairman Greg G. Pua Jr. na layunin ng maagang paghahanda na matiyak ang ligtas at komportableng biyahe ng milyun-milyong pasaherong inaasahang uuwi sa kanilang mga lalawigan para dalawin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ani Pua, sisikapin ng LTFRB na magkaroon ng sapat na bilang ng mga bus at iba pang pampublikong sasakyan upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at maiwasan ang pagka-stranded ng mga pasahero.

Ang paghahanda ay isinagawa bilang tugon sa direktiba ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez na tiyaking may sapat, maaasahan at komportableng pampublikong transportasyon para sa mga biyahero sa panahon ng Undas.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with