Win: VP arrest walang epek sa impeach trial

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang epekto sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang kasong grave threats na isinampa laban sa kanya sa Quezon City RTC, kahit pa may inilabas nang warrant of arrest.
Sa panayam sa radyo, binigyang-diin ni Gatchalian na magkaiba ang regular courts at impeachment court, kaya’t hindi maaaring iugnay ang proseso ng isa sa isa pa.
“Personal opinion ko ito. Walang effect sa akin at sa impeachment dahil iba naman kasi ‘yung sa korte at ‘yung sa impeachment,” aniya.
Nilinaw pa ng Senate President na ang probable cause na nakita ng korte ay hindi nangangahulugang guilty na ang hatol laban kay Duterte.
Kasabay nito, nanawagan si Gatchalian sa mga awtoridad na seryosohin ang mga pahayag ni Duterte hinggil sa mga banta at pangha-harass.
“Dapat kung meron man banta… dapat seryosohin ito,” ani Gatchalian, sabay panawagan sa kapulisan na imbestigahan kung saan nanggagaling ang mga banta.
Giit niya, mahalaga ang kaligtasan ng lahat — mula sa mataas na opisyal ng gobyerno hanggang sa ordinaryong mamamayan.
Nagpiyansa na si Duterte sa Quezon City court matapos lumabas ang warrant of arrest kaugnay ng kasong grave threats. Sa kanyang pahayag, sinabi ng bise presidente na may dokumentado siyang threats and harassment mula pa noong 2023, at iginiit na hindi siya ligtas maging ang kanyang mga anak.
- Latest
























