^

PM Sports

Blazers nakawala sa Stags sa overtime

Russell Cadayona - Pang-masa
Blazers nakawala sa Stags sa overtime
Ang dakdak ni Allen Liwag ng St. Benilde Blazers laban sa San Sebastian Stags.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Tinakasan ng College of St. Benilde ang San Sebastian College-Recoletos sa overtime, 96-94, sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament ka­ha­pon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Iniskor ni Tony Ynot ang lima sa kanyang 23 points sa extra period para igiya ang Blazers sa 6-1 kartada at patuloy na solohin ang li­­derato.

May limang puntos si Jho­mel Ancheta tampok ang krusyal na drive sa hu­­ling 3.3 segundo ng la­ro, habang nagtala si Allen Liwag ng 17 markers at 11 boards.

Sa kabila ng panalo sa Stags, laglag sa 2-6 mar­ka, ay dismayado pa rin si coach Charles Tiu sa kan­yang tropa.

“I don’t want to say any­thing because I’m mad. It’s an em­barrassment, we gave up 31 turnovers, parang binibigay namin sa kanila ‘yung bola eh,” sabi ni Tiu.

Pinamunuan ni Raymar Ecobi­do ang Baste (2-6) sa kanyang 29 points.

Sa ikalawang laro, wi­na­kasan ng nagdedepensang San Beda Red Lions ang three-game winning streak ng Letran Knights mu­la sa 66-64 panalo.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with