^

Metro

2 mangingisda nawawala sa Quezon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang mangingisda ang iniulat na nawawala matapos ang mga itong pumalaot sa karagatan ng Brgy. Santo Niño, Mulanay, Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Sa report sa Office of Civil Defense-Calabarzon, kinilala ang mga pinaghahanap na mangingisda na sina Brences Profugo, 23-anyos at 16-anyos na si Edrian Rio; pawang residente ng Brgy. Cambuga ng bayang ito.

Base sa imbestigasyon, noong Huwebes dakong alas-10 ng umaga  ay pumalaot ang dalawang ma­ngingisda pero dapat ay inaasahang makakabalik na sila noong Biyernes pero hanggang Sabado ay hindi pa sila nakakauwi sa kanilang mga pamilya.

Samantala, maging ang iba pang mga mangi­ngisda sa lugar ay hindi umano nakita ang dalawa sa kanilang pagpalaot.

Nagsasagawa na ng search operations ang mga elemento ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at Philippine Coast Guard (PCG) upang hanapin ang dalawang mangingsida.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with