^

PM Sports

Mejia, Bacojo pasok sa training pool

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak sa national training team sina Cherry Ann Me­jia at Mark Jay Bacojo matapos magkampeon sa ka­nilang mga dibisyon sa PSC-NCFP selection chess championships grand finals sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) sa Quezon City.

Nakipaghatian ng puntos si Mejia kay April Joy Cla­ros sa ninth at last round upang ilista ang pitong puntos at masilo ang titulo sa women’s section.

Tabla rin ang laban ni Bacojo kay International Master Michael Concio, Jr. sa 13th at final round at inu­ngusan ang huli sa tiebreak score matapos makalikom pareho ng tig-siyam na puntos sa men’s division.

Si Concio, ang reigning national juniors champion at inaasahang magiging susunod na Grandmaster ng Pilipinas, ay lumanding sa second place, habang ang isa pang potential GM na si Christian Gian Karlo Arca ang kumopo ng third place na may walong puntos.

Pumang-apat si IM Barlo Nadera at pang-lima si FM Austin Jacob Literatus, habang sina FM Alekhine Nouri at IM Rolando Nolte ay pumuwesto naman sa ikaanim at pang-pitong posisyon, ayon sa pagkakasu­nod.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with