^

Punto Mo

Big boss ng POGO, natuklaw ng CIDG sa Fontana Resort!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKI talaga ang kita ng POGO. Kahit na-raid na ang POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, gumagawa talaga ng paraan ang mga Chinese na namamahala nito na ipagpatuloy ang kanilang operation, kahit guerilla style lang. Sayang ang milyong kikitain, di ba mga kosa? Kaya lang, yari naman sila kay CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco na walang humpay ang follow-up operation para matuldukan na ang farm scam nila.

Kaya ni-raid ng mga tauhan ni Francisco ang limang villas sa Fontana Leisure Resort and Casino sa Mabalacat, Pampanga at inaresto ang “big boss” ng sindikato na nakilalang si Lim Fuklin. Ipinasailalim si Lim sa welfare check at mabilisang na-turnover sa custody ni Undersecretary Gilberto Cruz, ng PAOCC para sa malalimang background check. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Francisco na nag-serve sila ng search warrant sa mga villas sa Fontana resort dahil sa impormasyon na may mga Chinese nationals na nakatakas sa raid sa Lucky South 99 Corporation sa Porac, Pampanga ay nagtatago dito. Maliban sa pagkaaresto kay Lim, nakumpiska rin ng mga taga-CIDG ang 14 safety vaults.Sa nabanggit na operation, ang Search Team 3 ay nakarekober ng anim na safety vaults sa villa No. 716 samantalang ang Search Team 2 ay nakakuha ng walong safety vaults sa Villa 713. Subalit sa Villas 633, 742 at 767 ay walang narekober na trafficked persons, ani Francisco. Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

“The SW in Fontana Leisure Resort and Casino was borne out of the investigation from the Porac and this is intended for the 5 villas in the Clark compound. So we were able to apprehend one Chinese national and he is now being questioned or investigated by the PAOCC and CIDG” sabi ni Francisco. “We were still [applying] for the opening of these vaults. So that we can know what are inside of these vaults,” dagdag pa ng CIDG director. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inamin ni Francisco na maraming personalities, lalo na ang mga Chinese, na kanilang hinahanap na nakatakas sa Bamban at Porac raids. “So we are not at liberty to disclose to you (their names) now but rest assured the PNP through the CIDG and PAOCC is continuously doing surveillance, follow-up operations with regards to these POGOs or scamming hubs in Bamban and Porac,” ayon pa kay Francisco. Hindi lang ‘yan, patuloy din ang pag-iipon ng CIDG at PAOCC ng ebidensiya para i-link up ang Bamban at Porac POGO hubs dahil sa naunang ulat na mayroon silang parehas na incorporators. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito. Ano pa nga ba?

Matatandaan na ni-raid ng PAOCC/CIDG ang POGO hub sa Porac noong Hunyo 5 at umabot sa 186 Chinese at Filipino workers ang nadakip. Karamihan sa mga Chinese ay pina-deport na ni Cruz. Ang raid sa Porac ay alinsunod sa “Oplan Olea” na programa ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ang layunin ay sugpuin ang kasong human trafficking sa Pinas. Sayang lang nga at hindi inabutan ng raiding team ang pakay sa search warrant na sina Lyu Dong at Da Wei, na kapwa “big boss” ng POGO sa Fontana Resort. Hindi magtatagal at matutuklaw din ng mga tauhan ni Francisco sina Lyu at Da. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with