Manas sa paa: Mga dahilan
ANG manas o edema sa paa ay sanhi ng pagkaipon ng labis na likido (fluid) sa mga tissue ng katawan.
Mga pangkaraniwang sanhi (lifestyle at gawi):
1. Matagal na pag-upo o pagtayo: Dahil sa gravity, naiipon ang likido sa ibabang bahagi ng katawan kapag hindi gumagalaw.
2. Masyadong maalat na pagkain: Ang labis na sodium ay nagiging sanhi ng pagkaipon ng tubig sa katawan.
3. Pagbubuntis: Karaniwan ang manas sa mga buntis dahil sa pagbabago ng hormons at dagdag na presyur sa mga ugat.
Mga seryosong kondisyong medikal:
4. Sakit sa bato (Kidney Disease): Hindi nailalabas ng bato ang sobrang likido at sodium, kaya ito ay naiipon sa mga paa at binti.
5. Sakit sa puso (Heart Failure): Nahihirapan ang pusong magbomba ng dugo pabalik, na nagiging sanhi ng pag-pool ng likido sa ibabang bahagi ng katawan.
6. Sakit sa atay (Liver Disease/Cirrhosis): Naaapektuhan nito ang produksyon ng protina (albumin) na nagpapanatili sa likido sa loob ng mga ugat.
7. Chronic Venous Insufficiency: Mahina o sirang mga ugat (veins) sa binti na hindi makapagbalik ng dugo pataas sa puso.
8. Epekto ng gamot: May mga gamot sa high blood, steroids, at pain relievers na maaaring magdulot ng pamamanas.
9. Pinsala o impeksyon: Ang sprain sa bukung-bukong, sugat, o impeksyon sa balat ay nagiging sanhi ng pamamaga.
Magpatingin sa doktor para malaman ang dahilan, maipa-test at magamot ang sakit na siyang dahilan ng pagmamanas. Ang mga doktor na maaaring puntahan: Nephrologist o kidney doctor, Cardiologist o doctor sa puso at mga ugat, Gastroenterologist o doktor sa atay.
- Latest


















