^

PM Sports

Tamaraws tumibay kapit sa No. 3

Elech Dawa - Pang-masa
Tamaraws tumibay kapit sa No. 3
Dahil sa panalo ay nirehistro ng Tamaraws ang 7-5 karta para solohin ang pag okupa sa No. 3 at manati­ling malakas ang tsansa sa pag-usad sa susunod na phase.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinalakas ng Far E­astern University ang pag­kapit sa ika-3 puwesto sa team standings matapos nilang silatin ang University of the Philippines, 71-68, kagabi sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball kahapon na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo ay nirehistro ng Tamaraws ang 7-5 karta para solohin ang pag okupa sa No. 3 at manati­ling malakas ang tsansa sa pag-usad sa susunod na phase.

Nalasap ng UP ang ikatlong kabiguan sa 12 laro.

Pinamunuan ni Janrey Pasaol ang opensa para sa FEU sa nirehistrong 16 markers habang nag-ambag sina Jorick Bautista at Kirby Mongcopa ng tig- 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nilapa ng National University Bulldogs ang 91-74 panalo laban sa University of the East Red Warriors upang siguruhin ang paghakbang sa susunod na phase ng liga.

Nagtulungan sa opensa sina Tebol Garcia at Reinhard Jumamoy para akayin ang Bulldogs sa pagkana ng three-game winning streak at ilista ang 9-3 record sapat upang sementuhan ang pagkapit sa top 2 sa team standings.

Swak sa semifnals ang Bulldogs sa ikalawang sunod na seasons, kasama ang Fighting Maroons na hawak ang parehong 9-3 record.

Pinamunuan ni Garcia ang opensa para sa NU sa nirehistrong 20 poinst at pitong assists, habang bumakas sina PJ Palacielo at Jumamoy ng tig-13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagtala naman si Toper Lagat ng 21 puntos, anim na rebounds, dalawang assists at isang steal pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang Red Warriors.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with