Mariah, bibisitahin ulit ang mga pinoy

Ganun, bibisita sa Maynila ang international pop star na si Mariah Carey bilang bahagi ng kanyang The Celebration of Mimi world tour.
Ang chika ni Salve, ipinost ni Mariah ang poster ng kanyang pagbisita sa Maynila sa Oktubre 14.
“We’re taking The Celebration of Mimi worldwide! I can’t wait to see you all during this special anniversary year of the Mimi album,” caption raw nito sa post.
Dagdag pa raw nito, may karagdagan pang mga petsa na iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Bukod daw sa Maynila, bibisitahin din ni Mariah ang Shanghai, Bangkok sa Thailand, at Kobe at Yokohama sa Japan.
Huling nagtanghal si Mariah sa Pilipinas noong Oktubre 2018 para sa kanyang Mariah Care: Live in Concert tour.
Well, pag-iisipan ko kung interesado akong manood noh. Hahaha. Bongga.
Bongga… Niana guerrero, pinallow back din ni J-Hope
Ang bongga naman ng Pinay dancer at social media star na si Niana Guerrero na natutupad ang bawat pangarap ng pagiging ARMY (BTS fan). Imagine pinallow back din daw siya ni J-Hope, isa pang miyembro ng BTS. Nauna na pala siyang na-follow back ng miyembro ng grupo na si Jungkook noong 2024.
Kaya naman binansagan ng mga netizens si Niana bilang “luckiest fan girl,” dahil sinusundan siya ngayon ng dalawa sa pitong miyembro ng BTS.
Hay inggit me much.
Pero ang bata naman kasi Niana at napakahusay pang sumayaw.
- Latest