^

Pang Movies

Maris, malala ang karupukan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maris, malala ang karupukan!
Maris Racal

Aminado si Maris Racal na malala ang pagi­ging marupok niya sa tunay na buhay.

Katunayan, sa sobrang rupok at brokenhearted niya, nakagawa raw siya ng isang buong album.

“Pinagkakitaan ko ‘yung mga ginawa sa akin kasi, hello!? Kailangan ko ng pera! It’s me taking my power back. Sinaktan mo? I’m gonna write a song about you, hahaha! Well, ano rin, may mga… especially nu’ng ano, early 20s ko, grabe ‘yung karupukan ko talaga, as in like (sabay buntong-hininga), ganu’n. ‘Yung pamilya ko, gumaganu’n na lang (buntong-hininga), ‘yung friends ko, ganyan (buntong-hininga ulit). Pero I think lahat naman talaga dinaanan n’yo. Yes, ‘di ba? Yes, dadaan talaga tayo sa karupukan at d’yan tayo natututo. Ang importante, what you do after being brokenhearted… maging marupok pa rin, hahaha! Ayoko na!” natatawang kwento ni Maris nang humarap sa mediacon ng pelikulang Marupok A+ sa Greenbelt 3 My Cinema noong Huwebes.

Bet na bet ni Maris ang papel niya sa Marupok A+ bilang si Beanie, isang mischevous at twisted director na involved sa affair ng transgender woman na si Janzen Torres (EJ Jallorina) at Theo Balmacenda (Royce Cabrera).

Base sa totoong pangyayari ng catfishing sa online dating world na nag-viral nu’ng panahon ng pandemya, isa umano ang aktres sa mga nag-react nang pumutok ang isyu sa Twitter.

Aniya, “A lot of people were very, very curious about it. And actually, ako din, isa rin ako sa mga nag-react nu’ng nabasa ko ‘yung thread. Ngayon, naging film na siya. So, basically, I think they would go (see the movie) because of curiosity but most importantly, because of the message of the film. Because it tackles important messages. Isa du’n ‘yung transphobia, which is very real. It happens everyday to every transwoman and woman and they get bullied a lot sa streets and ‘yung that part we don’t know, kasi wala tayo sa sapatos nila and I want people to feel, after they watch this movie, to change their perspective about transwomen and transmen. So, yeah,” paliwanag ng GF ni Rico Blanco.

At na-enjoy ni Maris ang pelikulang ito.

“Yes, sa film na ito, actually, dun ko nabukas ‘yung door na, ah, nae-enjoy ko pala itong character na ito, ‘cause I control the scene because when you’re the good one, you just accept the punches. In this one, you throw the punches, so parang you have the ability to, you know, ilagay mo ‘yung gigil mo doon. Ilagay mo ‘yung inis mo doon. Ikaw ang magdadala ng mga eksena at tatanggapin lang ng mga kung sino man ‘yung inaaway mo. So as an artist or an actress, nakakabuhay sya ng passion.”

Pag-amin naman ng direktor nilang si Quark Henares, na-‘X’ nga ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang queer comedy-thriller sa unang review dahil sa original title nitong Marupok AF (Where Is the Lie).

Kaya ginawa nila itong Marupok A+ at ngayon nga’y nakatakda nang ipalabas exclusively sa Ayala Cinemas simula July 10.

Matatandaan na una itong ipinalabas sa 2023 Cinemalaya at umani ang parangal mula sa iba’t ibang international award-giving bodies.

Kasama sa cast si EJ Jallorina, na nagsimula bilang child performer sa hit TV show na Goin’ Bulilit. Ang iba pa niyang palabas at pelikula sa TV ay ang Marry Me, Marry You and Mamu, at Mother Too. Bilang isang transgender na tao, naging bahagi siya ng iconic Pride cover ng Preview para sa Hunyo 2023.

Samantala, nagkaroon ng breakout role si Royce sa 2019 Cinemalaya film na Fucbois at napanood sa GMA TV series na Makiling, Lilet Matias Attorney-at-Law, The Write One at kasalukuyang napapanood Widows’ War.

Ginagampanan ni Maris Racal si Beanie, isang pilyo ngunit baluktot na direktor na sangkot sa Janzen-Theo affair. Ang Pinoy Big Brother alumnus ay kilala sa kanyang karakter na si Irene Young-Tiu sa Can’t Buy Me Love.

Anyway, sunud-sunod nga ang magandang naganap sa career ni Maris, na kahit daw siya hindi makapaniwala na darating sa kanya.

“Happy ako. Like hindi ko ito in-expect talaga na darating ito. Itong taon 2024. And thankful ako sa mga blessing. Nagugulat ako sa mga dumarating and masasabi ko na totoo talaga ‘yung patience is a virtue at hindi ito racing kundi marathon in life.

“So hangga’t nabubuhay ka laban lang. Kahit hindi mo pa naaabot ‘yung mga pangarap mo laban lang. Huwag ka talagang mapanghinaan ng loob. As in keep that fire burning in your heart and don’t dim your light for others. Kapag mabigyan ka ng opportunity do your best. If not your best like your 150%,” pagbabahagi pa niya.

CBML at Linlang, umabot na sa US at Canada

Umabot na ang kilig at gigil fever sa United States at Canada dahil napapanood na dito ang Can’t Buy Me Love ng DonBelle at Linlang ng KimPau sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Pumatok sa mga manonood ang nakakakilig na kwento ng Can’t Buy Me Love at pinanggigigilang mga rebelasyon sa Linlang pagkatapos itong umere sa primetime nitong taon.

Pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang Can’t Buy Me Love na tungkol sa komplikadong pagmamahalan ng dalawang tao pagkatapos nilang magkakilala dahil sa isang insidente ng kidnapping.

Sa mystery-thriller series na Linlang nina JM De Guzman, Paulo Avelino, at Kim Chiu, umiikot ang kwento nito tungkol sa pagtataksil pagkatapos madiskubre ng isang laos na boxer na niloloko siya ng kanyang asawa at sarili niyang kapatid.

Ilan lamang ang Can’t Buy Me Love at Linlang sa mga programa ng ABS-CBN na available sa ibang bansa sa YouTube bilang parte ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspiras­yon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.

Family Feud, umaapaw ang papremyo!

Pasabog ang inihanda ng Family Feud para sa home viewers ngayong buwan ng Hulyo na may #HulyoFUNalo, buwan ng leveled-up entertainment at umaapaw ng blessings!

Simula July 8, hindi lang ang avid viewers ng award-winning game show ng GMA na Family Feud ang may pagkakataong manalo sa Guess to Win promo kundi pati ang loyal viewers ng buong GMA Afternoon Prime block.

Kagaya ng sinabi ng Family Feud host at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, “uulan ng saya at babaha ng papremyo” ngayong July.

Ang limang Guess to Win promo questions ay ipakikita tuwing commercial breaks ng Abot Kamay Na Pangarap, Lilet Matias: Attorney-at-Law, Fast Talk With Boy Abunda, Voltes V: Legacy, at Eclipse of the Heart.

Maaaring isumite ng viewers ang kanilang entries paglabas ng mga katanungan sa kanilang screen. May dalawang karagdagang tanong naman ang itatanong sa mismong episode ng Family Feud.

Maaaring ipadala ng mga kalahok ang kanilang mga sagot sa official promo website na www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin

Ang mas nakakapagpasabik sa promo na ito ay ang araw-araw na announcement ng mga winner. Kung noon ay kailangan pang maghintay ng viewers ng isang linggo bago nila malaman kung nagwagi sila, ngayon ay iaanunsyo na araw-araw ang pa­ngalan ng winners ng P20,000 sa mismong araw sa Family Feud.  

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with