^

Punto Mo

Babaing may 2 tumor sa breast pinagaling ni St. Charbel! (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

AYON sa kaibigan kong si Božena, nang gabing pahiran ko siya ng blessed oil ni St. Charbel, nagpakita sa kanyang panaginip ang santo. Ipinatong umano ni St. Cherbel ang kanang kamay sa kanyang dibdib.

Ayon kay Božena, pagkapatong ng kamay ni St. Charbel sa kanyang dibdib, nawala na ang lahat nang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi raw maipaliwanag ni Božena ang kasiyahang nadama pagkatapos niyon.

Kinabukasan, nagtungo siya sa ospital para magpa-scan upang malaman ang kalagayan ng tumor sa kanyang breast.

Ayon kay Božena, tatlong beses siyang sumailalim sa scan.

At nagulat ang mga doktor sapagkat walang makitang trace ng tumor sa kanyang breast.

Isang doktor umano ang nagtanong kay Božena kung ano ang ginawa at nawala ang dalawang tumor.

Sagot ni Božena: “Pinahiran ako sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan ng blessed oil ni St. Charbel. Ang matalik kong kaibigan na si Dima ang nagpahid sa akin. Habang ginagawa ang pagpapahid ng langis ay walang tigil sa pagdarasal si Dima.

Para makatiyak, nagsagawa ang mga doktor ng bagong biopsy sa lugar na kinaroroonan ng tumor.

Nang lumabas ang resulta, walang nakitang tumor. Dineklarang magaling na nga si Božena—pinagaling ni St. Charbel! (Itutuloy)

BREAST CANCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with