^

PSN Opinyon

Mga bugok na pulis dapat na baklasin sa imahe ng PNP!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG naging bukambibig man sa ngayon itong patuloy­ na pag-angat ng popularidad ng mga kapulisan sa Police­ Regional Office-6 (PRO6) sa ilalim na pamumuno ni P/BGen. Randulf Tuaño abay walang kaduda-duda na nagagam­panan ng mga kapulisan ang tungkulin nilang sinumpaan sa madlang pipol. Kaya naman umani ng katakut-takot na mga awards itong si Tuaño at ang kanyang mga tauhan dahil nagagampanan nila ang kanilang tungkulin sa mga Ilonggo. Get nyo mga suki?

Sa totoo lang daan-daan na ang mga nahuling personalidad na may mga warrant of arrest, mga loose fire­arms, illegal fishing, illegal drugs at iba’t iba pang mga kaso dahil nga sa aktibong partisipasyon ng mga Ilonggo mismo. Hehehe! Nakapa ni P/BGen. Tuaño ang kiliti ng mga Ilonggo kaya napadali ang kanilang paghahabol sa mga nagtatagong kriminal at mga loose firearms.

Subalit tila mayroon din naman talagang mga pulis ang hindi nakukontento sa magandang trabaho kaya sumisemplang ang mga ito at nalalagay sa kangkungan na dumaramay tuloy sa magandang emahe ng buong trupo ng PRO6.

Katulad lamang sa natanggap kung reklamo hinggil sa bugok na pulis na may ranggong Corporal na nahaharap ngayon sa National Police Commission-6 sa mga kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention at 2 Count of Child Abuse matapos na ereklamo ng kanilang biktima na menor-de-edad.

Noong Nobyembre 3 ay nagreklamo sa tanggapan ng NAPOLCOM-6 ang, menor-de-edad na sinamahan ng kanyang abogado para sa kasong conduct prejudicial­ to the best interest of service, grave misconduct, opression at conduct unbecoming of a police officer. Matindi itong mga reklamong isinampa sa 2 bugok na pulis dahil siguradong mahuhubaran sila ng uniporme ng PNP at mabubura sa pagiging pulis at mawawala na sa kanila ang malaking suweldo. Hehehe!

Kung sabagay iilan lamang naman sila sa hanay ng PNP dahil may kasabihan na ang isang bugok na kamatis paghinalo mo sa isang kaing tiyak na mabubulok na lahat ito. Hehehe!

Subalit huwag naman ninyong husgahan ang lahat ng kapulisan dahil karamihan sa kanila ay gumagawa ng tama at tapat sa serbisyo upang isulong ang “Responsive, Trusted and Transformative Policing”  for Safer Western Visayas Region at ang bisyon ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman” ay mangibabaw sa lahat ng kapulisan. Get n’yo mga suki?

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with