^

Probinsiya

Rider utas sa SUV ng Pulilan ex-mayor

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PULILAN, Bulacan, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi matapos masagasaan ng isang Toyota Prado na minamaneho ng dating alkalde ng nasabing bayan na si Ma. Rosario ­“Maritz” Montejo.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa Esguerra Street, Barangay Peñabatan, Pulilan, Bulacan.

Ayon sa imbestigas­yon, bumangga umano ang motorsiklong minamaneho ng biktimang kinilalang si alyas “Jeffrey” sa likurang bahagi ng isa pang motorsiklong Honda Click na minamaneho ng isang alyas “Miguel”.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada si Jeffrey at dito na umano siya nasagasaan ng Toyota Prado na minamaneho naman ni dating Mayor Montejo.

Agad na isinugod ang biktima sa Bulacan Medical Center sa Malolos, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Samantala, ayon sa ulat ni Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, nagkasundo umano ang pamilya ng nasawing biktima na huwag nang magsampa ng kaso at piliin na lamang na ayusin ang usapin nang maayos.

TOYOTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with