^

PM Sports

Cardinals kakalsuhan 3 sunod na kabiguan

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisikapin ng Mapua University na kalsuhan ang three-game losing skid sa pagharap nila sa Lyceum of the Philippine University sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa PhilSports Arena ngayong araw.

Sumadsad muna sa u­nang tatlong sunod na laro ang Mapua nga­yong season, bago kumadena ng anim na sunod na panalo para makalapit sa tuktok ng team standings.

Muling nakalasap ang Mapua ng tatlong dikit na kabiguan kaya naman tangan nila ang 6-6 karta at nasa pang-apat na puwesto sa Group A.

Kaya nasa isip ng Cardinals na kuwelyuhan ang panalo laban sa kapit-bahay nila sa Intramuros na Pirates sa pagsimula ng kanilang laro sa alas-3 ng hapon.

Natambakan ng 13 puntos ang Mapua nang matalo sila sa Jose Rizal University 58-71 sa huli nilang laban.

Nasa ilalim naman ng Group A sa team stan­dings ang Pirates karga ang 4-8 karta kaya kailangan nilang masikwat ang importanteng panalo.

Samantala, magtatapat sa alas-5 ng hapon ang Arellano University at Emilio Aguinaldo College na magkasalo sa Group B para sa No. 2 spot tangan ang tig-6-6 baraha.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with