^

PSN Opinyon

Metro Manila, bantay sarado pa ng NCRPO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

A job well done!

Matapos ang matagumpay na seguridad sa mga sementeryo nitong Undas, naka-pokus sa ngayon ang atensiyon ng National Capital Region Police Office sa pagtiyak na ligtas, maayos at mabilis na pagbabalik sa Metro Manila ng ‘yaong nagtungo sa lalawigan para dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Inutusan ni NCRPO chief Brig. Gen. Christopher Abrahano ang kanyang limang police districts na patuloy na bantayan ang mga terminal ng transportasyon, pangunahing lansangan, at mga lugar na inaasahang makaranas ng pagdami ng pasahero at sasakyan mula Nobyembre 2 ng hapon.

“Our mission now is to help ensure that our fellow Metro Manilans return home safely and conveniently after the Undas long weekend,” ani Abrahano.

“ We are positioning our personnel where they are most needed and coordinating closely with our partner agencies to manage the expected increase in people and vehicles entering the National Capital Region,” ang pahayag ni Abrahano. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Habang patuloy na binabantayan ng NCRPO ang kundisyon ng trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila, magbibigay din ng tulong ang pulisya sa mga commuter at motorista, at handang rumesponde sa anumang insidente at emergency.

Upang maiwasan ang kaguluhan, nanawagan si Abrahano sa mga motorista na pairalin ang pasensiya at disiplina sa kalsada, lalo na’ sa ngayong mainit ang panahon.

Pinaalalahanan ni NCRPO chief ang mga driver na iwasan ang pagsalungat sa daloy ng trapiko, ilegal na pagparada, pagmamaneho nang hindi nakatuon ang pansin, at iba pang paglabag na maaaring magpalala ng pagsisikip ng trapiko at magdulot ng mga insidente sa kalsada. Mismooooo!

Para naman sa mga pasahero, pinayuhan ng NCRPO na bantayang maigi ang kanilang mga gamit, sundin ang mga tagubilin ng mga tauhan ng transportasyon at seguridad, at agad humingi ng tulong sa pulisya kung kinakailangan.

“We understand that many families are eager to get home after the long weekend. We ask everyone to remain patient and cooperative. Our police officers are on the ground to assist you and help make your journey home as safe and orderly as possible,” ani Abrahano.

Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

O hayan mga kosa, iwas palagi sa disgrasya! Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with