Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (Last part)
PARA makasiguro na wala na talaga ang cancer at pati ang lymph nodes iminungkahi ni Dr. Bansal na kumuha ako ng opinyon sa ibang doktor. Ganunman, pinatotohanan ng doktor na talagang wala siyang nakitang trace ng cancer at maging ang kulani o lymph nodes sa isinagawang test.
Sinunod ko si Dr. Bansal nakipag-arranged ako kay Dr. Altorki ng N.Y. University Hospital sa Cornell, New York.
Dinala ko ang lahat ng aking medical records para mabasa niya at makagawa ng konklusyon.
Nang ma-review ni Dr. Altorki, sinabi niya na naniniwala siya sa sinabi ni Dr. Bansal na wala na nga ang cancer at lymph nodes. Maaring dahil daw sa maximum radiation at chemo na tinanggap ko. Posible raw iyon. May pagkakataon daw naman na hindi tinatalo ng treatement.
“I agree with the other doctor’s in their findings that your cancer is gone, apparently they went for the cure and got it”! They had given you maximum radiation and chemo; sometimes it works and sometimes it does not. In your case it did, and you cannot argue with success. You are one lucky man,” pagtatapos ni Dr. Altorki.
Napaiyak ako at aking misis sa sinabi ng doktor.
Alam ko kung sino ang may gawa kaya ako gumaling sa cancer! Hindi niya ako iniwan! Lagi siya sa tabi ko. Si Padre Pio! My cure is “Padre Pio”!
Sabi pa ni Anthony: “Padre Pio, is a saintly soul who deserves the title of a true Saint. Padre Pio, from my family and me, thank you! Please continue to look over my family and I, as I will always continue to look upon you as my “Padre”. Sa huli sinabi ni Anthony, “Let us always remember all miracles are gifts from GOD.
- Latest















