Bakit lumalaki ang tiyan ng isang tao (Last part)
6. Stress at kakulangan sa tulog.
Ang matagal na stress ay maaaring makaapekto sa hormones, at gana sa pagkain. Samantala, ang kulang na tulog ay maaaring magpataas ng gutom at paghahangad sa pagkaing mataas sa calories.
7. Kabag at pagtitibi.
Hindi lahat ng malaking tiyan ay dahil sa taba. Ang naipong gas sa bituka, pagtitibi at ilang problema sa pagtunaw ng pagkain ay maaaring magpalobo sa tiyan, kahit hindi nadagdagan ang taba sa katawan.
8. Pagbabago sa postura at paghina ng kalamnan.
Kapag mahina ang mga muscles sa tiyan o ang nakasanayang posture ay tila nauuna ang tiyan kapag naglalakad kaya mukhang nakausli ito.
9. Ilang kondisyong medikal.
Ang paglaki ng tiyan ay maaari ding sanhi ng pag-ipon ng likido sa tiyan (ascites), paglaki ng ilang organ, o iba pang kondisyong nangangailangan ng pagsusuri ng doktor.
10. Pagmamana sa genetics.
May mga taong mas madaling mag-ipon ng taba sa tiyan dahil sa kanilang genes. Kaya kahit magkapareho ang kinakain at ehersisyo ng dalawang tao, maaaring magkaiba ang laki ng kanilang baywang.
Tandaan: Kung biglang lumaki ang tiyan, tapos patuloy na lumalaki, matigas o masakit, o may kasamang hirap sa paghinga, dapat magpatingin agad sa doktor. Hindi lahat ng paglaki ng tiyan ay simpleng katabaan lamang.
- Latest















