^

Bansa

Veteran journalist Philip Lustre, inaresto sa Davao cyber libel

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Veteran journalist Philip Lustre, inaresto sa Davao cyber libel
Ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. habang inaalalayan ng mga police officers mula sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Station 10 para sumailalim sa pisikal at medikal na eksaminasyon matapos siyang arestuhin noong Sabado kaugnay ng kasong cyber libel na inisyu ng Davao court.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang 72-anyos na beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. habang dumadalo sa isang forum sa isang restaurant sa Quezon City nitong Sabado ng umaga kaugnay ng kasong cyberlibel.

Dinakip si Lustre bandang 11:10 ng umaga ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 sa Dapo Restaurant sa Quezon City, kung saan regular na isinasagawa ang isang news forum tuwing Sabado.

Ayon kay QCPD Acting Director P/Brig. Gen. Christopher Olazo, isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 10 kaugnay ng mga kasong libel at cyberlibel na isinampa laban kay Lustre ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.

Itinakda ng korte ang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya sa halagang P48,000.

Ayon kay Lustre, wala siyang kinalaman sa mga reklamong libel at cyberlibel na inihain laban sa kanya at nagulat na lamang umano nang dumating ang mga operatiba upang dakpin siya.

“Ilalaban ko ito. Hindi ko ito uurungan,” ani Lustre habang isinasakay sa police mobile.

Samantala, si Atty. Dino de Leon, isa sa mga panauhin sa news forum, ang tatayong abogado ni Lustre.

Si Lustre ang may-akda ng aklat na “Kill, Kill, Kill,” na tumatalakay sa mga extrajudicial killing (EJK) sa bansa at sa mga usapin ng umano’y crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Duterte.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng QCPD si Lustre at sumailalim na sa booking procedures matapos maaresto.

PAOLO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with