Publiko, pinag-iingat ng NCRPO vs pekeng produkto!
IWAS sa pekeng produkto, lalo na ang pagkain! Ito ang panawagan ni NCRPO chief Brig. Gen. Christopher Abrahano sa publiko na nagmamadaling mamili ng mga regalo, gamit o pagkain dahil papalapit na ang Pasko. Ayon kay Abrahano, ang publiko ay dapat maging mapanuri at responsable sa pagbili ng mga produkto, at pagkain para hindi sila maloko. “Sa paghahanda natin para sa holiday season, dapat maging matalino at mapanuri sa pamimili. Let us prioritize safety and responsible shopping to avoid falling victim to scams and counterfeit products,” ani Abrahano.
Ayon sa NCRPO chief, hindi lamang pag-iwas sa krimen ang saklaw ng kaligtasan ng publiko, kundi pati na rin ang pagprotekta sa mga pamilya laban sa mga panganib na dulot ng mga substandard, peke at walang wastong sertipikasyon. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang panawagan ni Abrahano ay kasunod sa babala ng Department of Trade and Industry laban sa mga produktong walang sertipikasyon at posibleng hindi ligtas na ibinebenta sa mga pisikal na tindahan at maging sa online marketplace. Pinaalalahanan din ng hepe ng NCRPO ang mga mamimili na hanapin ang Philippine Standard (PS) Mark at Import Commodity Clearance (ICC) sticker sa mga produktong kinakailangang sumailalim sa man?atoryong sertipikasyon. Dapat ding suriin ang mga label, impormasyon ng manufacturer o importer, warranty, at mga tagubilin sa kaligtasan bago tuluyang bilhin ang isang produkto.
Sa publiko naman na mahilig ng online shopping, pinaalalahanan sila ni Abrahano na tiyakin ang pagiging lehitimo ng mga online seller, basahing mabuti ang mga paglalarawan ng produkto, at mag-ingat sa mga alok o promo na tila napakaganda upang maging totoo. Purbidang yawaahhhhh!
Pinayuhan din ni NCRPO director ang mga mamimili na itago ang mga resibo at digital na tala ng transaksiyon upang magamit bilang ebidensiya sa mga reklamo o imbestigasyon kung kinakailangan. “We urge everyone to report any suspected illegal activities and the sale of potentially hazardous or counterfeit products to the proper authorities for further investigation.” ang dagdag pa ni Abrahano.
Nanawagan din ang NCRPO sa mga may-ari ng negosyo at retailer na panindigan ang mga pamantayan sa pangangalaga sa mamimili, sumunod sa mga umiiral na batas at regulasyon, at iwasang magbenta ng mga ipinagbabawal o hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan ng produkto. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!
- Latest















