^

Probinsiya

Kano timbog sa rape, human trafficking sa Cebu!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

10 Pinay ikinulong sa condo

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang American national matapos ireklamo ng Pinay kabilang ang mga menor-de-edad sa sexual abuse sa condominium unit nito sa Brgy. Kamputhaw, Cebu City, ayon sa ulat kahapon.

Ang suspect, isang 59 anyos na Amerikano ay nahaharap sa kaliwa’t kanang reklamo sa kasong rape, human trafficking, at illegal detention.

Inihayag ni P/Lt. Col. Rolan Aliser, spokesperson ng Police Regional Office-Central Visayas, ang suspect ay nagdala ng 10 babae sa kaniyang condomi­nium at pinigilan silang umalis. Kabilang sa 10 babae ay mga kabataan na umano’y sekswal na inabuso ng nasabing suspect.

Nasakote ang suspect nitong Huwebes ng umaga at ilang babae rin ang naabutan ng mga awtoridad sa nasabing condominium kabilang ang dalawang menor-de-edad na itinurn-over na sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Narekober ng pulisya sa condominium unit ng dayuhan ang mga drug paraphernalia, isang kulay abong HP laptop, tatlong cellular phones at isang digital video recorder.

Inihayag naman ni P/Col. Ricky Sumalde, hepe ng Cebu City Police na poprotektahan ng kanyang tanggapan ang mga kababaihan sa kanilang lungsod.

AMERICAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with