^

Probinsiya

Labandera ‘di nagpautang ginahasa, pinatay ng 2 adik!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Labandera ‘di nagpautang ginahasa, pinatay ng 2 adik!
Sa report ng Talisay City Police, nadiskubre ang krimen noong Martes ng gabi matapos i-report ng dalawang trabahador ng farm na may nalanghap silang masangsang na amoy na nagmumula sa sapa.
STAR / File

Bangkay isinako, itinapon sa sapa

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi umano pagpapautang, hinalay at pinatay ng dalawang adik ang isang labandera saka nila isinilid ang bangkay nito sa sako at itinapon sa sapa ng Hacienda Santa Catalina sa Brgy. Dos Hermanas, Talisay City, Negros Occidental.

Sa report ng Talisay City Police, nadiskubre ang krimen noong Martes ng gabi matapos i-report ng dalawang trabahador ng farm na may nalanghap silang masangsang na amoy na nagmumula sa sapa.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na ang biktima ay isang 33-anyos na nagtatrabahong labandera sa nasabing hacienda na pinagtatrabahuhan din ng dalawang suspek.

Nabatid na iniulat ng live-in partner ng biktima na ang pagkawala ng huli noon pang Oktubre 8 matapos na magtungo sa sapa para maglaba.

Nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya at nadiskubre ang sako ng patuka na pinagsidlan sa bangkay ng nasabing labandera sa batuhang bahagi ng sapa.

Natiklo ang dalawang trabahador nang maghinala ang pulisya kung paano nila nakita ang bangkay gayung may isang kilometro ang layo ang sapa sa farm na kanilang pinagtatrabahuhan.

Dahil dito, ang dalawang trabahador ay na­ging “persons of interest” sa krimen kaya’t isinailalim sila sa masusing imbestigasyon hanggang sa mapilitang umamin umano na sila ang nasa likod ng karumal-dumal na papatay sa babae.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang motibo sa krimen ay nagalit ang mga suspek sa biktima nang hindi niya pinautang ang dalawa ng pera hanggang sa matiyempuhan nilang nag-iisa sa sapa at doon ginahasa at pinatay.

Ang mga suspect ay umamin din sa mga imbestigador na nasa impluwensya sila ng droga nang isagawa ang karumal-dumal na krimen.

Kalaboso na ang mga suspect sa detention cell ng pulisya na kapwa nahaharap sa kasong rape with murder.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with