^

Metro

Drug distribution network sa Metro Manila, bubuwagin ng NCRPO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Drug distribution network sa Metro Manila, bubuwagin ng NCRPO
Ayon kay NCRPO Director PBGen. Christopher Abrahano, ibeberipika ang mga impormasyong makakalap ng mga police district upang matukoy ang mga ruta ng pagpasok at distribusyon ng droga at matukoy ang mga target ng operasyon.
File photo

MANILA, Philippines — Paiigtingin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang intelligence operations upang matukoy at mabuwag ang mga network ng ilegal na droga sa Metro Manila, kabilang ang posibleng koneksiyon ng mga lokal na distributor sa malala­king sindikato.

Ayon kay NCRPO Director PBGen. Christopher Abrahano, ibeberipika ang mga impormasyong makakalap ng mga police district upang matukoy ang mga ruta ng pagpasok at distribusyon ng droga at matukoy ang mga target ng operasyon. Kasunod ito ng direktiba ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na umangkop sa nagbabagong taktika ng mga sindikato.

Kabilang sa mga kama­kailang nasabat ang walong inbound parcel na may hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P43.7 milyon noong Oktubre 9, at 73 kilo ng shabu na ­nagkakahalaga ng P496.4 milyon na iti­nago sa isang makinang pang-industriya na ipinadala mula Mexico. Sinusuri rin ng pulisya ang mga ulat tungkol sa 521 kilo ng hinihinalang shabu na nasabat sa Laos at isa pang shipment sa Thailand na kapwa umano nakatakdang ipadala sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Abrahano ang kahalagahan ng tuluy-tuloy na pangangalap ng intelligence at mahigpit na koordinasyon ng mga awtoridad upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa mga komunidad. Nagbabala rin siya sa mga pulis na sangkot sa kalakalan ng droga o gumagamit ng kanilang posisyon upang protektahan ang mga sindikato.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with