^

Metro

76 dayuhan timbog sa illegal POGO hub

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
76 dayuhan timbog sa illegal POGO hub
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang 76 na dayuhan sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang pinaghihinalaang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Brgy.   Socorro, Cubao, Que­zon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office, pinangunahan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division at AFP-National Capital Region Command (AFP-NCRCOM) ang operasyon matapos ang surveillance sa lugar batay sa natanggap na impormasyon  tungkol sa ilegal na aktibidad online scamming activities.

Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na naaktuhang nagsasagawa ng online scamming ang mga dayuhan
na kinabibilangan ng 74 Chinese nationals at dalawang Myanmar nationals nang pasukin ng mga awtoridad ang gusali.

Isinagawa ang raid sa bisa ng mission order bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na operasyon ng POGO.

Kasalukuyang sumasailalim sa kaukulang proseso ang mga dayuhan para sa posibleng deportasyon bunsod ng paglabag sa mga batas sa imigra­s­yon. Iba-blacklist din ng BI ang mga ito upang hindi na makabalik sa Pilipinas.

Tiniyak ni Trinidad na, patuloy na makikipagtulungan ang AFP sa mga kaukulang ahensiya upang sugpuin ang mga banta sa pambansang seguridad at suportahan ang pagpapatupad ng batas, kabilang ang Republic Act No. 12312 o Anti-POGO Act of 2025.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with