^

Bansa

‘Resort’ sa Davao nadiskubre ng NBI

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Resort’ sa Davao nadiskubre ng NBI
Tinutulan ni House prosecutor Chel Diokno ang linya ng pagtatanong ni defense counsel Kristine Ferrer kay forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera habang nakikinig ang mga senator-judges sa ika-38 pagdinig ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Oktubre 12.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Sisiyasatin ng House prosecution panel ang mga bagong natuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa mga ari-ariang iniuugnay kay Vice President Sara Duterte, kabilang ang isang umano’y resort-like property sa Davao na lumutang sa impeachment trial.

Sa ika-38 araw ng pag­lilitis, ipinakita ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang video ng NBI na nagpapakita ng dalawang ari-arian na nakatala umanong agricultural land ngunit may mga pasilidad na kahawig ng resort.

Hiniling ni Tulfo sa prosecution na beripikahin kung ang mga naturang ari-arian ay naideklara sa SALN ni Duterte at kung naisama sa pagsusuri kaugnay ng umano’y P817.87 mil­yong unexplained wealth.

Nagbigay naman ng katiyakan si House pro­secutor Chel Diokno na susuriin nila ang naturang impormasyon.

Ayon sa forensic accounting expert na si Ale­xander Cabrera, hindi pa niya matiyak kung kabilang sa kanyang ulat ang mga ari-ariang ipinakita ng NBI dahil kailangan pa niyang makita ang mga titulo, address at lawak ng mga ito.

Napansin din ni Cabrera na tila mataas ang halaga ng isa sa mga ari-arian dahil umano sa mga swimming pool na naroon, ngunit nilinaw niyang kailangan pa rin ng masusing beripikasyon ng mga dokumento.

Nauna nang iniulat ni Cabrera ang P817.87 mily­ong umano’y hindi maipaliwanag na yaman na iniuugnay kina Duterte at Carpio mula 2022 hanggang 2025. Nakabatay ang kaniyang pagsusuri sa mga available na rekord sa bangko, buwis, insurance, ari-arian at mga korporasyon.

Sa ngayon, wala pang pinal na konklusyon kung naisama na ang mga ari-ariang natukoy ng NBI sa naunang kalkulasyon ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman na iniuugnay kina Duterte at sa asawa nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with