^

Bansa

Pangulong Marcos pinabubuhay ‘Green Revolution’ vs Super El Niño

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinabubuhay ‘Green Revolution’ vs Super El Niño
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
RTVM

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na magtanim ng sariling gulay upang makatulong sa pagharap sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa suplay ng pagkain.

Ayon sa Pangulo, nakahanda ang pamahalaan para tiyakin ang sapat na suplay ng bigas, baboy, baka at manok, ngunit inaasahang higit na maaapektuhan ang produksyon ng gulay dahil sa kakapusan ng tubig.

Dahil dito, nanawagan si Marcos na buhayin muli ang “Green Revolution” at hikayatin ang bawat pamilya na magtanim ng gulay sa kanilang mga bakuran.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na nagpapatuloy ang mga hakbang ng gobyerno upang mapangalagaan ang suplay ng tubig at mabawasan ang epekto ng matin­ding tagtuyot sa bansa.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with