5 testigo ihaharap ng ICC prosecutors vs Duterte

MANILA, Philippines — Plano ng prosecution team ng International Criminal Court (ICC) na iharap nang personal sa tribunal ang limang saksi bago matapos ang taon sa gagawing trial ng kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ikaapat na status conference ng ICC Trial Chamber III nitong Martes, pinakumpirma ni Presiding Judge Joanna Korner sa prosekusyon kung ilan ang mga saksi na inaasahang haharap nang personal bago magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30.
“They will all be present unless something unforeseen… They will be 1302, 1100, 1400, 1263, and 0009… those are the five that we plan for this year,” ani ICC Senior Trial Lawyer Julian Nicholls.
Bilang proteksiyon sa kanilang pagkakakilanlan, tinutukoy ang mga saksi sa pamamagitan ng mga numerical code. Inaasahang haharap sila sa ICC sa The Hague, Netherlands, at maaaring magbigay ng testimonya nang personal o sa pamamagitan ng mga pahayag, depende sa mga kaayusan ng korte.
Inihayag din ni Nicholls na may ilang saksi nang inalis sa listahan ng prosekusyon dahil sa iba’t ibang dahilan.
- Latest


















