^

Bansa

NBI sinisilip money laundering vs VP Sara

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
NBI sinisilip money laundering vs VP Sara
NBI director Melvin Matibag
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng money laundering at umano’y maling deklarasyon ng mga ari-ariang iniuugnay kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, sinusundan ng NBI ang daloy ng pera upang matukoy kung may mga transaksyong nauwi sa pagbili ng mga lupa, resort, at hotel bilang bahagi ng umano’y pagtatago ng tunay na pinagmulan o pagmamay-ari ng pondo.

“Ang tinitingnan natin dito, ‘yung follow the money,” ani Matibag.

Sinusuri rin aniya ng NBI ang ilang ari-ariang nakadeklara bilang agricultural land ngunit umano’y may mga nakatayong mansyon, swimming pool at maging helipad.

“Yung iba, nakadeklara nga sa SALN pero pag tinignan mo ‘yung value niya, malayo. At saka doon na lang may misrepresentation na agad,” dagdag niya.

Inaalam din ng ahensya kung saan nanggaling ang perang ipinambili ng mga naturang ari-arian at kung tama ang pagkakadeklara ng mga ito bilang assets.

Nilinaw naman ni Matibag na nagsasagawa pa lamang ng imbestigasyon ang NBI at ang Office of the Ombudsman ang magpapasya kung may sapat na batayan upang magsampa ng kaso.

Ayon pa sa kanya, posibleng maipadala ngayong linggo sa Office of the Ombudsman at Department of Justice ang paunang resulta ng kanilang imbestigasyon.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with