^

Probinsiya

300 pulis-Calabarzon nanumpa bilang ‘responsible gun owners’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Nasa 300 na pulis sa Calabarzon region at mga tauhan ng National Police Commission (Napolcom)-Calabarzon ang nangako bilang mga responsableng nagmamay-ari ng baril, kahapon.

Pinangunahan nina Napolcom4A regional director Atty. Owen G De Luna at Calabarzon police director Brig. Gen. Dominic Baccay ang panunumpa ng mga pulis at Napolcom staff na may temang “Panunumpa ng Pananagutan sa Ligtas na Pag-iingat ng Armas” sa isinagawang programa at inspeksyon ng mga tauhan ng Napolcom4a sa covered court, dito sa kampo, sa Calamba City, Laguna noong Biyernes.

Tampok sa kolaborasyon ng inisyatiba ng pinagsanib na puwersa ng Napolcom at PNP na itaguyod ang ligtas, responsable, at maayos na paghawak ng baril sa parehong sektor ng pangangasiwa at pagpapatupad ng batas.

Ayon kay De Luna, mandato ng bawat pulis at opisyal na maging pinakamahusay na halimbawa ng disiplina, integridad, at pagsunod sa panuntunan ng batas. Hinikayat ang mga pulis at mga gun owners na laging tiyakin na nasa maayos ang kanilang mga baril, pigilan ang hindi awtorisadong pag-access nito, sumunod sa mga kinakailangan sa paglilisensya, at huwag gumamit o magdala ng mga baril na labag sa batas.

“Ang mga responsableng tauhan ng pulisya at pagmamay-ari ng baril ay nakakatulong na maiwasan ang mga aksidente, maling paggamit, at mga baril na mahulog sa maling mga kamay. Ang pagbabawas ng karahasan sa baril ay nagsimula sa ating lahat na nagtutulungan tungo sa mas ligtas na mga pamilya at isang mas ligtas na komunidad,” dagdag niya.

Sa Cavite, sinimulan ni Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng pulisya ng Naic, ang kanyang mga tauhan upang ipangako kung paano maging responsable sa paghawak at pag-iingat ng kanilang inisyu na service firearms.

GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with