Eala nakatsikahan idolong si Sharapova

MANILA, Philippines — Sa wakas nagkita na sina Filipino tennis sensation Alex Eala at dating Grand Slam champion Maria Sharapova para sa isang podcast ng Russian tennis star.
Sa isang post ni Sharapova sa social media, ibinahagi nito ang guesting ni Eala sa kaniyang Pretty Tough podcast.
Kitang-kita ang excitement ni Eala nang personal nitong makita si Sharapova na isa sa iniidolo nito sa mundo ng tennis — mula sa playing style hanggang sa fashion.
“Oh my God. Oh my goodness. Nice to meet you,” ani Eala sa video na pinost ni Sharapova.
Nagpasalamat naman si Sharapova sa panahong ibinigay ni Eala para maging bahagi ng kaniyang podcast.
“Look at you. Thank you for finding time for us,” ani Sharapova.
Sinabi ni Sharapova na isa si Eala sa popular demand ng mga followers nito sa social media para maging guest sa kaniyang podcast.
“By very popular demand — and rightfully so … she’s the girl of the moment,” ani Sharapova sa kaniyang post.
Hindi naman ito ang unang pagkikita nina Eala at Sharapova.
Matatandaang nakapag-picture na si Eala noong bata pa ito habang aktibo pang naglalaro sa WTA Tour si Sharapova.
- Latest

















