Sharapova bilib kay Eala

MANILA, Philippines — Masaya si Grand Slam champion Maria Sharapova na makasama si Alex Eala sa kanyang Pretty Tough podcast.
Bilib ang dating world No. 1 Russian player sa husay at galing ni Eala na matagal-tagal na rin nitong sinusubaybayan sa WTA Tour.
Ibinahagi ni Sharapova ang paghanga nito sa Pinay netter sa kanyang podcast na hit na hit ngayon sa iba’t ibang streaming platforms.
Inamin ni Sharapova na pinapanood nito ang ilan sa mga laban ni Eala.
Natutukan din nito ang pagsisimula ni Eala mula sa pagiging world ranked 100th hanggang sa maabot nito ang kasalukuyang puwesto nito na No. 18 sa WTA rankings.
“I’ve been following you for several years now. I’ve watched your journey in the last few years flourish to where you are today,” ani Sharapova.
Malayo pa ang tatahakin ni Eala ngunit naniniwala si Sharapova na kayang kaya nitong maabot ang tugatog ng tagumpay dahil sa kanyang husay sa pagdadala ng mga laban nito.
“You have a long way to go, but it is so impressive to see how you’ve handled and navigated everything,” ani Sharapova.
Isa sa tinukoy ni Sharapova ang matikas na ratsada ni Eala sa Wimbledon sa London, England kung saan pinatalsik nito sa kontensiyon si 2025 Wimbledon champion Iga Swiatek.
Napabilid din ni Eala si Sharapova sa husay at galing nitong sumagot sa mga interviews nito.
“It was this powerful, moving moment, especially your interview after, because there’s this combination of being gritty and persevering and being honest about your ability to fight and win,” ani Sharapova.
Masaya si Sharapova sa tuwing napapanood nito si Eala sa mga interviews nito.
“And then being soft and vulnerable and honest,” wika pa ni Sharapova.
Kaya naman hindi maitago ang kilig ni Eala sa tuwing pinupuri ito ni Sharapova sa kanilang interview.
- Latest























